May SMS pag ready na
Malalaman mo agad, hindi mo na kailangang tumawag.
Early access — bukas na para sa mga clinic at lab sa Pilipinas.
1 · SMS notice
Para sa mga clinic at lab sa PH
I-upload ang signed result PDF, at makakatanggap agad ng SMS ang patient na ready na ang result niya. Hindi na kailangang pumila, wala nang “balik na lang po bukas.” Results mo, nasa phone mo na.
Ang daming oras ng staff ang napupunta sa pagsagot sa “Ready na po ba ang result ko?”
Paulit-ulit na tumatawag ang patients sa front desk para lang i-check kung ready na.
Pumupunta pa sila para lang kunin ang papel — gastos sa pamasahe at sayang ang oras nila.
Results na pinapadala sa personal chat o email — mahirap i-track at hindi secure.
Walang bagong equipment. Browser lang ng front desk.
Pagka-test ng patient, i-encode sa LabNa ang pangalan at mobile number niya.
Pag ready na ang result, i-upload lang ang signed PDF. Tapos na ang trabaho ng staff.
Makakatanggap sila ng “Ready na ang result mo” SMS na may link. Mabubuksan ito gamit ang OTP + birthdate nila.
Sa LabNa, puwede ring tumanggap ang clinic ng online bookings mula sa patients.
Sensitive personal information ang lab results. Ganito dinisenyo ang LabNa para protektahan ang mga ito. Ginawa namin ito na nasa isip ang Data Privacy Act of 2012.
Notification at link lang ang pinapadala — hinding-hindi ang mismong result.
Hindi na ito magagamit ng iba kung ma-forward o makita mamaya.
OTP sa SMS + birthdate ng patient.
Encrypted ang mga result file, habang pinapadala at habang naka-store.
Kinokolekta lang namin ang data na kailangan, at kayo ang may control sa records ng clinic ninyo.
Hindi na kailangang bumalik sa clinic o maghintay ng tawag. Walang app na kailangang i-install.
Malalaman mo agad, hindi mo na kailangang tumawag.
I-tap ang link, tapos ilagay ang OTP at birthdate mo.
Makikita mo ang signed PDF at puwede mo itong ipakita sa doctor mo.
Iwan lang ang details ninyo at kokontakin namin kayo.